?

Log in

No account? Create an account

Previous 10

Oct. 4th, 2009

Galing sa kung Saan ^_^

I fell in love with the stranger
That was standing in front of me
He was watching the rain
I was watching him

He went outside
And he was getting wet
And he didn't care
And he was alluring

Just like the wind
Whispering Latin
Just like the rain
Crying for the gods

Just like the light
Paving a way
Through the dark clouds
Until it reached him

He closed his eyes
Welcoming the warmth
And only I noticed
Because I love him

Sep. 2nd, 2009

saBOW

Ang epekto ng kasabawan ni MG sa aking utak :)) May pinaalala kasi eh... tapos namura ko siya :)) tapos lumabas to ahaha XD

Gatas ka
Nakakapagpatibay ka ng bones
Dahil rich ka in calcium
Kaya iinumin kita
Dahil gusto ko pang tumangkad
Dahil leche ka

ahaha... potek mag-aaral na nga ako :))

[edit] Tapos si Cy, tinanong ako tungkol sa math habang nag-aaral ako sa math :)) Tapos nasabi ko na ang hirap ng math nila. Sabi ni Cy para daw Gr.6 na pinapasagot ng problems na pang 4th year XD tapos...
        natalie: ahahaha sabaw na sabaw na utak nio :))
        cy: wala na nga eh... abo na
        cy: :))
        natalie: sabaw naging abo? pano un :))
        cy: pasalamat n ln ako mataas taas p ako
        cy: evaporation
        cy: :))
        natalie: ha?
        cy: wala ng liquid
        natalie: may residue dun sa sabaw
        cy: oo
        cy: un cells
        cy: :))
        cy: microscopic un abo
        cy: :))
        natalie: potek ang nerdy ng conversation naten
        cy: hahahahahah
        cy: B-)
        cy: :))

anak ng putakteng buhay toh XDD

Aug. 23rd, 2009

One Hell of a Week XD

Sobrang daming nangyari this week... Punong-puno ng adventure ahahaha Mga bagay na di ko aakalaing mangyayari sa 'kin... Mga bagay na ginawa ko dahil trip ko lang... At kahit na sobrang nakakapagod, gusto kong magkaroon uli ng ganitong week dahil sobra namang saya :)

MONDAY - Lecture Forum sa FILKOMU. Umuwi ako na naka formal attire at nakaheels. Nagkapaltos ako :)

TUESDAY - Nagdrawing ako sa board. Nagkaroon ng minor offense :))

WEDNESDAY - Pumunta sa bahay ni Elmer para gawin 'yung prototype. Muntik masarahan ng MRT / LRT :D

THURSDAY - Pumunta sa bahay naman ni Anne para tapusin 'yung prototype. Naligaw pauwi kasama si Khel. 'Yun pala sobrang lapit lang ng bahay ni Anne sa bahay ko :P

FRIDAY - Pumasok sa school kahit holiday. GMO Presentation. Taekwondo. MP Demo. Masyadong masipag ang mga Lasalyano XD

SATURDAY - Pumunta sa bahay ni Gie para gawin 'yung MV for FILKOMU. Umuwi ng naka shorts dahil tinamad akong magbihis XP

SUNDAY - rest day ^_^

Aug. 18th, 2009

Ang Adventure ni Natalie sa DO :D

Isang Martes, buwan ng Agosto taong 2009, ang batang si Natalie ay pumunta sa eskwelahan. Kaya nga lang, may paltos siya kaya mukha siyang ewan pag naglalakad. Tapos pagdating niya sa A809 nakita niya ang kanyang mga kaibigang sina MG, Nikki, Anne at Pau. Ginawa muna nina Natalie at Nikki ang kanilang takdang-aralin sa COMPRO1 samantalang si Anne ay gumagawa ng kanyang MP at sina MG at Pau naman ay nasa gitna ng isang madibdibang diskusyon. Habang nangyayari ang mga iyon, dumating sina Gillian at Leslie. Matapos ang ilang mga minuto, tinamad na ang mga tao at naisipang gumawa na lang ng kung anu-ano. Sina MG at Gillian ay naisipang gumuhit sa pisara. Tuwang-tuwa si Gillian dahil unang beses niyang makaguhit sa pisara dahil whiteboard ang ginagamit sa hayskul niya. Si Natalie naman ay nainggit at sumali sa mga gumuguhit. Iginuhit niya ang isang baboy samantalang si Gillian ay mukha ng isang lalaki. Niloko si Gillian ng kanyang mga kasama dahil doon. Si Natalie ay dinagdagan ng patilya, eye bags, at dalawang peace signs ang iginuhit ni Gillian. Habang tuwang-tuwa sina Natalie at Gillian sa pagguhit, napansin nila na biglang tumahimik ang kwarto. Tumingin si Natalie sa may pinto at nakitang may nakasilip na multo. Pumasok ang multo sa kwarto. Siya pala ay isang Discipline's Officer. Hiningi niya ang ID nila Natalie at Gillian at sinabihang pumunta sa DO. Makakatakas na sana si MG kaya lang ay mabuti siyang bata at umamin na siya rin ay gumuhit sa pisara. Sabi sa kanila ng DO na violation lang naman iyon at hindi pa minor offense. Pagkatapos noon ay umalis na ang DO. Natawa na lang si Natalie sa nangyari sa kanila samantalang si Gillian ay naglabas ng sama ng loob. Matapos noon ay naisipan nilang pumunta na sa DO. Habang naglalakad ang magkakaibigan ay parang proud pa sila sa nangyari at pinagkakalat ito sa mga kakilalang nakasalubong. Pagdating nila sa DO ay tinanong kung ano ang kanilang offense at kung sino ang humuli sa kanila. Di nila alam kung sino siya kaya tiningnan na lang nila sa mga larawan. Nang mamukhaan ni MG ang humuli sa kanila sa isang larawan ay napasigaw siya ng "Eto!" Itinext ng babae 'yung humuli sa kanila at pinagawa sila ng Letter of Admission-Explanation. Dahil pareho lang naman ang kanilang offense, nagkopyahan na lang sila. Pagkatapos noon ay nilektyuran sila na basahin ang kanilang Student Handbook para maiwasang magka-offense. May ibinigay siya sa kanilang papel na pipirmahan. Nabasa ni Natalie na mayroon na siyang minor offense. Naalala niya ang sinabi ng DO sa may A809 na violation lang iyon. Ngunit dahil sa takot na baka magka-offense uli siya, hindi na lang niya tinanong kung bakit ganoon. Minor offense pa lang naman at hindi nito maaapektuhan ang kanyang academics. Pagkatapos noon ay kumain na lang sila sa may Agno tapos ay pumunta sa Goks para sa kanilang klase. Buong araw ay na-conscious sila sa kanilang mga ginagawa dahil mamaya ay bakay minor offense na naman iyon at mahuli na naman sila. Hay naku... ang buhay nga naman :|

(Bakit ba ako nagsusulat sa third person POV? :P)

Jul. 28th, 2009

Electric Eels :)

I was thinking of any possible GMO for LBYMATB when electric eels came into my mind and I remembered a conversation I had with someone. I can't recall if it was with my sister or with a friend... But nevertheless, some time last year, I was talking with this person when I suddenly had a Eureka moment (minus the running outside naked, of course :P). I was terribly excited and wanted to share to the world the sheer ingenuity that my mind came up with (kidding XD). And the first step to that was to tell it to my sister / friend / whoever she is. I exclaimed to her that I have found a solution to our energy problems. Of course, she asked "What?" I answered "Let's use the electricity produced by electric eels!" She just stared at me as if I was crazy (which is probably true) and asked if I was serious. I glared at her for insulting my idea and ignored her after that. Then, she suddenly asked me, "Are there electric eels in the Philippines?" Who knows? :D

Well, anyway, I just wanted to tell this person to read this just to prove to her that I'm not the only one who's mad enough to think of such an idea XP.

Jun. 24th, 2009

Hindi kasi ganun 'yun eh...

Thursday sched today sooo... FWSPORT (Taekwondo) first period. Ang aga kong dumating sa La Salle. 0700 pa lang nandun na ako. Si MG kasi eh... gustong makita si Enchong. Di rin naman namin nakita. So ayun... naghintay na lang kame hanggang 0830. Nagkukwentuhan lang kame nina MG, Leslie tsaka Nikki nang biglang si Corti, tinanggal 'yung pants niya kasi nasa ilalim 'yung shorts. Eh wala lang akong magawa kaya bigla akong sumigaw ng "Nooooo Cortiii! My virgin eyes!" Edi ayun tawa kame ng tawa. Tas etong si Nikki biglang humirit. Tinanong ako "Virgin ka pa ba?" Ang lakas pa ng pagkakatanong niya eh. Buti nalang medyo konti pa lang 'yung tao. Syempre sinabi ko oo. Sina MG tawa ng tawa... nakakaasar. Hindi naman kasi tinatanong 'yung mga ganung tanong nang ganun-ganun lang noh. So tinanong ko rin siya kung virgin pa siya. Syempre ineexpect namen na sabihin niya oo. Nagulat kame nang sinabi niya na hindi niya alam. Ayun, hagalpakan na kameng lahat. Pagkatapos nameng tumawa, na-curious kame kung bakit ganun 'yung sagot niya. Dun pala sa dati niyang school, iba 'yung meaning ng "virgin". Di ko masyadong naintindihan 'yung explanation niya... Tas sabi niya usually sa school niya tinatanong 'yun sa mga mukhang 'bad girl'. So parang ako... O.o mukha ba kong masamang babae?

Jun. 19th, 2009

Third Week

kasi lahat ng tao nagsusulat tungkol sa kanilang college life :)


Monday

LBYMATB - First quiz tungkol sa Biotechnology tsaka 'yung reporting. Buti na lang madali kasi di ako nag-aral :P

BREAK - Hindi ako masyadong nakakain kasi nakalimutan kong may assignment pala sa BASICON kaya ginawa ko nung lunch sa yellow paper.

BASICON - Meron palang bond paper si Nikki. Tae di naman nagsabi. 'Yan tuloy, kitang kita na wrong format 'yung assignment ko. Buti nalang dalawa kaming ganun.

FILKOMU - Wala lang. Boring...


Tuesday

PERSEF1 - Andami naming nilarong games :D. Ansaya. Tapos hindi na kami losing team. Third to the last na ata kame. 'Yung yellow team, first place pa rin. Nakakaasar. Kelangan silang ma dethrone! Lagi nalang silang may prize :|

BREAK

COMPRO1 - May recitation kame tungkol sa History of C. Di pa naman ako nakapag-research. Buti nalang nakita ko 'yung sagot dun sa first two questions. Nasagot ni Justin 'yung first question tas binigyan siya ng chocolate ni Sir. Ganun pala 'yun. Nung second question na nagtaas ako kaagad ng kamay kasi gusto ko nung chocolate ^_^

CCSALGE - Division of polynomials. Wala lang. Andali.


Wednesday

LBYMATB - Gumawa kaming kimchi at yoghurt! 'Yung kimchi namen nagmukhang lugaw kasi nilahat ni Paula 'yung dala niyang lugaw. Bat kasi kelangan lagyan ng lugaw? Magfeferment naman 'yun kahit walang ganun eh. 'Yung yoghurt naman mukhang matino. Binigyan nga kami ni ma'am nung gawa ng first batch. Actually, dapat wala akong nakuha. Inagaw ko lang 'yung kay Nikki. Sorry Nikki :P

LONG BREAK - Kasama sina Nigel, Justin, Paula at Corti, pumunta kameng MOA! Yay! First time kong maglakwacha na hindi alam nina mama at papa. Ano'ng ginawa namen dun? Wala, kumain lang kami. Kasi baka ma-late kame sa next class. Dapat kasi nag RP nalang. Oh well, next time :D

BASICON - Natanggap namin 'yung first seatwork namen. 16/17 ako. Sayang 'yung one point... Tapos wrap up ng lesson tungkol sa Number Systems. Tapos seatwork ulit. Lecheng binary 'yan. Nakakahilo at nakakabobo mag add/subtract/multiply/divide ng 1001000111111... Nung natapos ko na, tinamad na akong i-check manually kaya ginamit ko na lang 'yung sci cal. Love ko na ang sci cal ngayon. It makes life easier.

FILKOMU - Tae, bat ba parang mas mas marami akong ginagawa sa mga subjects na walang koneksyon sa Com-Sci kesa sa mga subjects na meron? Tulad ng FILKOMU. Andami kong kelangang gawen for Monday... 'yung paper tungkol sa rejister ng wika... reporting tungkol sa mga House Bills, Executive Order, at kung anu-ano tungkol sa wika... tsaka maghanap ng Ilocano song na ipaparinig namen sa class... Nakakaasar.


Thursday

FWSPORT - Taekwondo PE ko. Nag warm up muna kame. Andali lang lalo na 'yung mga stretchings. Buti nalang sanay na ako sa ballet. May naitulong din pala sakin 'yun... Tapos inaral namen 'yung mga blockings at forms... Boring pa kasi gusto ko ng kicking. Nung nagkicking na kame, practice lang. Walang target. Darn it....

BREAK - Nagbihis tapos nagmadaling kumain kasi 20 minutes lang natitira, next class na

COMPRO1 - Para malaman kung may natutunan kami, naglaro kami ng Jeopardy! Group 1 kami at kagroup ko si Nikki at Oyo. Akala namin sina Justin 'yung mananalo. Ang galing kasing mamili ni Justin ng tanong eh... Laging madali. Tapos sinubukan namen 'yung Math Expressions. Tae nablangko bigla utak ko. Ang simple simple ng tanong, di ko nasagot. Buti nalang nasagot ni Oyo. Tapos para sa Final Jeopardy, ano ang full name ng aming COMPRO1 professor. Alam namen 'yung name niya except sa middle initial kaya sinearch namen sa internet. Conrado R. Ruiz, Jr. pala siya. Ahaha Nung una inaway-away ko pa si Oyo na Conrado Ruiz R. Jr... tapos bigla kong na-realize, nauuna ang middle initial sa last name... Stupid. Tapos ayon, nanalo kami. Meron uli kaming chocolate! Ang hilig magbigay ng chocolate ni Sir.

CCSALGE - Factoring. Madali lang din. Muntik pa kong i-volunteer nina MG na mag-recite. Buti nalang hindi kasi nakakatamad. Next week may quiz na kami.

BASICON (lab) - Di ako pumasok kasi Batch 2 pa ako. Dapat Batch 1 ako eh... Sina MG kasi eh... Bat kasi maiba taya 'yung napili namin para matukoy kung sino lilipat ng ibang group at bakit naman kasi nag black ako at lahat sila ay nag white? ....

May. 4th, 2009

CS Block#10 Schedule

Monday
SCIMATB1120-1220
BASICON1300-1430
FILKOMU1440-1610
Tuesday
PERSEF10830-1030
COMPRO11120-1250
CCSALGE1300-1430
Wednesday
LBYMATB0830-1030
BASICON1300-1430
FILKOMU1440-1610
Thursday
FWSPORT0830-1030
COMPRO11120-1250
CCSALGE1300-1430
BASICON1440-1610
Saturday
ROTC0630-1230

So, lagi akong early lunch... :|

Tags:

Feb. 24th, 2009

BF = pgv

I had a dream... about Physics... (okay ang nerd ko na :|)

Nasa isang boat daw si Mr. and Mrs. Formalejo (di ko alam kung baket... honeymoon?) Tapos biglang may dumating na Theresian (naka boat din) at sinabi

"Mwahahaha!! Makakaganti na 'ko sa'yo Mrs. Formalejo sa pagbagsak mo sa'kin sa Physics! Biniyayaan ako ng powers na i-manipulate ang gravity. Ngayon, palulubugin ko na kayo!"

Tiningnan lang siya nina Mr. and Mrs. Formalejo. Nagtaka ang Theresian dahil imbis na lumubog ay lumutang ang bangka nila.

"Bakit ganon? Diba dapat lumubog na kayo?!?!"

Sagot ni Mrs. Formalejo

"Kaya naman pala kita binagsak sa Physics eh. BF = pgv!"

Lesson of the Story: Even superheroes need to learn Physics.

[note: di 'yan ung exact na conversation sa dream ko... pero parang ganyan...]

Jan. 22nd, 2009

Untitled

Suddenly got inspiration. Written in a guy's point of view. :)

And every time I see you with him
It hurts me so much more
For you would still been mine
If I hadn't let you go.

And now we're just friends.
Maybe even less.
The bond that we shared,
Shattered by lies

I never said 'I love you'
My pride hindered me from doing that.
But you never told me anything too,
So how come you've found happiness?

And it's only just now that I realize
That maybe you never loved me.
'Cause I haven't seen you smile the way
You do right now when you were with me.

(It's not that good, I know. And it's not united. I might edit it. But that probably won't happen.)


Previous 10